Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 29



Kabanata 29

Bago pa man matapos sa pagsasalita si Madeline, agad namang nagsalita si Tanner.

Alam niya na may nunal si Madeline sa kaliwang dibdib. Para bang kinumpirma niya ang naging

relasyon nila noon ni Madeline.

Subalit, sa mga sandaling ito, makikita ang pagkagulat sa mukha ni Meredith habang nagsasalita siya,

"Oh my gosh! Maddie, hindi mo siya ex-boyfriend? Binibigyan ka niya ng pera tuwing ginagawa niyo

yun? Hindi ba parang binebenta mo ang sarili mo para sa pera? Maddie, paano mo nagawa yun sa

sarili mo? Sumasama ka sa kung sino-sinong lalaki para sa pera?!"

Nandiri si Madeline sa mga sinabi ni Meredith. Gusto niyang sagutin si Meredith, pero nakaramdam

siya ng matinding sakit kung nasaan ang kanyang tumor, at hindi siya makapagsalita dahil dito.

Ipinagpalagay ni Jeremy na inamin ni Madeline ang mga akusasyon sa kanya dahil sa kanyang

pananahimik.

Noong una si Daniel. Ngayon, si Tanner naman.

Ilang lalaki ba ang meron ang babaeng 'to?

Naglabasan ang mga ugat sa noo ni Jeremy at nandiri siya kay Madeline. novelbin

"Jeremy, bakit ganito si Maddie? Ang sama ng pakiramdam ko." Mukhang dismayado si Meredith, at

tila nalulungkot siya para kay Madeline. "Tara na Jeremy. Gusto ko munang mapag-isa."

Sinulyapan ni Jeremy si Madeline, at hinayaan lamang niya na akayin siya ni Meredith palayo habang

nakahawak ito sa kanyang braso.

"Jeremy… Hindi totoo yun…"

Hindi makapagsalita si Madeline dahil sa sakit. Puno ng paghihinagpis ang titig niya kay Jeremy.

Tiningnan siya pabalik ni Jeremy; puno ng galit at pandidiri ang kanyang mga mata.

Pinaniwalaan niya ang mga sinabi ni Tanner at Meredith. Naniwala siya na isang bayarang babae si

Madeline.

Dinala ni Tanner si Madeline sa isang pribadong silid. Matagal na siyang may pagnanasa kay Madeline

subalit hindi siya makahanap ng pagkakataon.

Ngayong nandito na siya, hindi niya palalampasin ang pagkakataong ito.

Gustong tumakbo ni Madeline, ngunit kinaladkad siya pabalik ni Tanner at ihinagis sa sahig. Nahiwa ng

mga bubog ang kanyang mga palad, at tumulo ang dugo mula sa kanyang mga sugat. Nanginig ang

kanyang katawan dahil sa sakit. Dagdag pa sa sakit na nararamdaman niya dahil sa kanyang tumor,

nahirapang tumayo si Madeline dahil sa tindi ng sakit na kanyang nararamdaman.

Sa kanyang alaala, nagmamadali siyang binitbit ni Jeremy papunta sa pagamutan noong mahiwa ng

bubog ang kanyang mga paa.

Ang sabi pa nga niya, 'Linnie, mula ngayon, poprotektahan kita lagi.'

Anu't ano pa man, dumudugo ng husto ang kanyang mga sugat at inabandona siya ni Jeremy.

Isang malaking kalokohan na lamang ang nangyari noon.

Tiniis ni Madeline ang matinding sakit at gumapang papunta sa pinto ng silid. Agad siyang hinila ni

Tanner at pinunit ang kanyang suot na damit. Kasunod nito ay pwinersa ni Tanner ang kanyang sarili

kay Madeline.

Noong inisip ni Madeline na hindi na siya makakatakas, biglang may sumipa sa pinto ng silid.

Napansin ni Jeremy na iniipit ni Tanner si Madeline, at agad siyang sumugod dala ang isang bote ng

wine na kinuha niya sa may mesa. Kasunod nito, hinampas niya ang bote sa ulo ni Tanner.

Nagulat si Tanner. Hinawakan niya ang kanyang ulo at napasigaw sa sakit ng pagkakahampas sa

kanya.

Binitbit ni Jeremy si Madeline at dinala sa kanilang bahay.

Puno ng dugo ang mga kamay ni Madeline pagkatapos itong mahiwa ng mga bubog. Dagdag pa sa

mabilis na pagpqpatakbo ng sasakyan ni Jeremy at sa panghahablot niya, masama ang pakiramdam ni

Madeline. Pakiramdam niya ay mahahati siya sa dalawa.

Sa kabilang banda, parang sinapian si Jeremy. Ihiniga niya sa bathtub si Madeline at binuhusan ng

tubig.

Nagpumiglas si Madeline. Pakiramdam niya ay malulunod siya dahil sa pagbuhos ng tubig sa ilong at

bibig niya.

"Madeline, bakit hindi ka makapaghintay? Kung anu-ano na agad ang ginawa mo kasama ang lalaking

yun pagkaalis ko! Wala pa akong nakitang kasing landi mo!"

Galit na galit si Jeremy at hinawakan ang batok ni Madeline.

"Tapos ang lakas ng loob mo na sabihin na ako lang yung lalaking nakagalaw sayo! Sino pa bang lalaki

mo bukod kay Daniel at sa hayop na yun?"

Pakiramdam ni Madeline ay mamamatay na siya. Subalit, hindi maikukumpara ang sakit ng katawan

niya sa mga sinabi ni Jeremy sa kanya.

"Kung kani-kaninong lalaki ka sumasama para sa pera, tapos nagkukunwari ka pa ring ayaw mong

maging kabit ko? Nandidiri ako sayo Madeline."


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.